Since alam ko namang walang magbabasa nito, dito ko ilalagay ang gusto kong ikwento sa iba pero hindi ko alam kung kanino. Tsaka gusto kong ilabas ang aking nadarama \m/…
Pumunta ang lover boy ko kanina sa amin. Sinundo ko siya sa 7 11 kaninang 1 at pumunta kami sa bahay.Nanood kami ng palabas sa telebisyon, pumunta sa BF para bumili ng dvd at Serenitea, Bumili sa Shakey’s ng kakainin, Pinanood ang nabiling dvd sa telebisyon at Hinatid ko siya papalabas ng village.
Nung nasa shakey’s kami may itinanong ako sa kanya at ako ay nalungkot sa sinabi niya. Kung anu-ano na pumaosk sa isip ko nung sinagot niya ang tanong ko. Hanggang nakarating kami sa bahay ay medyo wala ako sa mood dahil natatandaan ko ito every half hour ng mga pinanood naming palabas.
Tapos nung ihahatid ko na siya inaasar ko pa siya sa sinabi niya pero ako yung nalulungkot paginaasar ko siya (HAHA ang tanga ko naman). Anyway hangga’t sa paglabas na pansin nanaman niya na nawala ako sa mood. Tapos nung paalis na siya may bigla siyang binanat..
Siya: “Alam mo ba kung bakit binuhay ang tao?”
at ang sagot ko (since hindi ako masyadong naniniwala sa Diyos), “HINDI”
Siya: “Haha hindi mo alam? wala kang alam?”
at sinabi ko ,”Oo”
Siya: “Alam mo kung bakit binuhay ang mga tao, dahil gusto ng Diyos mahanap at maramdaman natin ang kaligayahan.”
ako ay nag-smirk sa sinabi niya at sinabing,” Ikaw nahanap mo na kaligayahan mo?”
Siya: “Haha oo, Shakeys (inside joke namin yung Shakeys)”
Ako: “Haha tuleg”
Siya: “Depende naman kasi yan sa tao. Eh ikaw ano ba kaligayahan mo? Dota? Haha”
Ako: “Hindi. Hindi na nga ako napapasaya ng Dota eh… Sige na, umalis ka na baka lumakas ang ulan”
naghiwalay kami at naluha ako habang pauwi. at naluha ako dahil….… . *another long explanation na hindi ko na maitype kasi kinda inaantok na me HAHA*
Anyway, I love Francis at kontento na ko sa kanya :D. Sabihin mo man na masayadong maaga para sabihin yan, WALA AKONG PAKI at sa totoo lang WLAA KA RING PAKIALAM!
Wala rin nga pala akong pakialam kung sa tingin niyo ay cheesy o baduy ang pinagsasabi ko. Atleast ako maligaya sa “love life” ko HAHA. Ang hindi pa ko maligaya ay sa “career” at relation ko sa nanay ko ngayon dahil sa aming hindi pagkakasundo.
YUN LANG. HAHA. :|
P.S.
Namatay nga pala ang tuta kong si Raigor ang kambal ng aso kong si Rexxar :(( :(( :(( =(( X(( ToT t(T.Tt)